TIYAK na magsasaya ang buong Dagupan City sa isang-buwang selebrasyon ng Bangus Festival lalo pa’t maraming GMA stars ang makikibahagi sa pangunguna ni Alden Richards.

Magkakaroon ng Kapuso Fan’s Day si Alden sa Biyernes, April 8, sa Dagupan City Plaza, kasama ang magiging host ng programa na si John Feir.

Sa susunod na Biyernes, April 15, ang young Kapuso stars naman na sina Louise delos Reyes at Juancho Triviño ang itatampok sa Kapuso Float Parade ng Festivals of the North.

Magkakaroon naman ng sariling stage ang GMA sa Judge de Venecia Highway sa Dagupan City para sa Kapuso Night sa April 30. Ang mga bida ng hit rom-com series na Because of You na sina Carla Abellana, Rafael Rosell, Joyce Ching, at Kristoffer Martin ang magpapasaya sa Dagupenos sa gabing iyon. Makiki-party rin ang stars ng bagong drama series na The Millionaire’s Wife na sina Andrea Torres atMike Tan.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Napiling muli ng pamahalaan ng Dagupan City ang GMA Network bilang strategic partner nito para sa Bangus Festival 2016. Nagkaroon ng partnership signing noong March 31 sa CSI Stadia na dinaluhan nina GMA Senior Assistant Vice President for Regional Business Development Division Oliver Amoroso, GMA TV Dagupan Station Manager Jojo Balingit at ng mga kinatawan ng City Government of Dagupan sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez. Naroroon din ang Kapuso actress na si Rhian Ramos bilang special celebrity guest.

Lubos naman ang pasasalamat ng Kapuso Network sa muling pagtitiwala ng pamahalaan ng Dagupan City. Kilala ang Dagupan City bilang “Bangus Capital of the Philippines,” at patuloy ang pagdami ng mga turistang dumarayo rito tuwing Bangus Festival.