Mga laro sa Huwebes

(Moro Lorenzo Field)

2 n.h. -- NU vs FEU

4 n.h. -- UP vs Ateneo

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tinalo ng defending champion Far Eastern University ang University of the East, 3-0, upang manguna sa UAAP Season 78 men’s football tournament nitong weekend sa McKinley Hill Stadium sa Taguig.

Dalawang beses umiskor ng goal si Val Jurao (5th at 40th minuto), habang nagtala ng goal si rookie Rico Andes sa ika-25 minuto para sa Tamaraws na mayroon na ngayong 23 puntos.

Sa iba pang laro, nagposte ang De La Salle ng dalawang stoppage time goals upang maigupo ang National University, 3-2, at maputol ang kanilang two-match losing skid.

Nakaiskor si Greggy Yang mula sa free kick na siyang nagsilbing clincher ng 5 -goal thriller, tatlong minuto matapos maitabla ni Nicko Villacin ang laro mula sa assist ni Jose Montelibano.

Dahil sa panalo, umangat ang De La Salle sa ikalawang puwesto taglay ang 20 puntos kasunod ng FEU.

Nakatabla naman ang Ateneo sa University of Santo Tomas sa ikatlong puwesto taglay ang 18 puntos matapos itala ang come-from-behind 4-2 panalo kontra Growling Tigers.

Dalawang beses naka-goal si Emilio Acosta habang nag- ambag sina Xavier Alcuaz at Julian Roxas ng tig- isang goal para sa Blue Eagles. (Marivic Awitan)