UNITED NATIONS (AP) – Lumabas sa internal audit na nagkulang at nakalimot ang U.N. na kilalanin ang dalawang foundation at ilang non-governmental organization na iniugnay sa bribery case na kinasasangkutan ni dating General Assembly President John Ashe.

Nakasaad sa audit ng Office of Internal Oversight Services na ang pagkabigo ng U.N. na imbestigahan ang ilang NGO bago makipagtransaksiyon sa mga ito ang naglagay sa alanganin sa “integrity, independence and impartiality” ng United Nations.

Inaakusahan si Ashe ng U.S. federal authorities na ginawang “platform for profit” ang kanyang assembly presidency sa pagtanggap ng mahigit $1 million na suhol.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa