Kinontra ng History professors ng University of the Philippines-Diliman ang pahayag ng vice presidential candidate na si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na maituturing na “golden age” ang panahon ng pamumuno ng kanyang ama sa bansa.
Sa pahayag na nilagdaan ng mga guro ng Department of History sa UP-Diliman campus, pinasinungalingan ng mga ito ang nasabing pahayag at tinawag na “alamat at panlilinlang”. Ayon sa kanila, dumoble at umabot sa 92 porsiyento ang itinaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, at nasa 5.4% ang ibinagsak ng ekonomiya sa panahon ng rehimeng Marcos. - Leonel Abasola