ZAMBOANGA CITY – Inaresto kahapon ng pulisya ang isang aktibong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na si Toh Abdilla y Ventura, na kilala rin bilang Toh Abdilla y Abdulla.

Inaresto ng pulisya si Abdilla sa Campung Landang Laum Drive sa Barangay Arena Blanco sa lungsod na ito, dakong 10:25 ng umaga nitong Biyernes.

Ayon sa pulisya, si Abdilla ay hinatulan in absencia ng Regional Trial Court Branch 12 ng 9th Judicial Region sa Zamboanga City dahil sa illegal possession of firearms and ammunitions.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nang madakip, nakumpiska mula kay Abdilla ang ilang subersibong dokumento, isang MK2 fragment grenade at elisi ng pump boat.

Nasa kostudiya na ng pulisya si Abdilla. (NONOY E. LACSON)