Isang 7-anyos na babaeng Filipino-American ang pinarangalan sa pagsagip sa buhay ng kanyang ama.

Si Jenna Charlize Villoria ay pinupuri ngayon sa kanyang mabilis at matalinong pagresponde sa oras ng pangangailangan sa kanilang tahanan sa Silver Spring, Maryland.

Sinagip niya ang buhay ng kanyang ama noong Pebrero 28 matapos itong dumanas ng diabetic shock. Naalala niya ang itinuro ng kanyang ina na tumawag sa 911, ang emergency telephone number ng North America.

Nitong Miyerkules, tumanggap si Villoria ng “Every Day Hero Award” mula sa Montgomery County Fire and Rescue Services Department. (Gino Sidocon)

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos