Kapwa masiguro ang top two spots na may kaakibat na bentaheng twice-to-beat ang parehong pupuntiryahin ng defending champion Ateneo at archrival La Salle sa pagsalang sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 78 volleyball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Kasalukuyang magkasalo sa liderato ang Lady Eagles at Lady Spikers taglay ang parehas na barahang 9-2.

Ang ika-10 panalo ang pormal na sesemento sa kanilang pagkakaluklok sa unang dalawang puwesto ng Final Four.

Nakabuntot sa kanila ang University of the Philippines at Far Eastern University na kapwa may barahang 7-5.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Makakatunggali ng Lady Spikers sa unang laban sa ganap na 2:00 ng hapon ang walang panalong University of the East, habang makakasagupa naman ng Lady Eagles ang sibak na ring Adamson (3-8) ganap na 4:00 ng hapon. (Marivic Awitan)