IBAAN, Batangas – Nasunod ang kahilingan ni Gregorio “Ka Roger” Rosal na isakay sa paragos ang kanyang mga labi sa paghatid sa kanya sa Ibaan, Batangas.

Dinala ang mga abo ni Ka Roger at ng kanyang asawa na si Rosario “Ka Charlie” Lodronio Rosal sa St. Mary Cemetery sa Ibaan kahapon.

Si Ka Roger ay namatay sa atake sa puso noong Hunyo 12, 2011 sa edad na 64. Pumanaw rin si Ka Charlie sa parehong taon.

Matapos ang limang taon, iniuwi na ang labi ng tagapagsalita ng New People’s Army (NPA) sa bayang sinilangan nito sa kahilingan ng kapatid na si Felicidad.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Idinaan ang abo ng mag-asawa sa Baclaran, EDSA, UP Diliman at Los Baños, at sa kapitolyo ng Batangas hanggang sa makarating sa kanilang tahanan sa Barangay Talaibon. (Lyka Manalo)