Laro ngayon

(Ynares Sports Arena)

Game 1 Best-of-5 Finals

3 n.h. -- Phoenix-FEU vs Café France

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sisimulan ng Café France ang kampanya na backto-back championship sa pakikipagtuos sa Phoenix-FEU sa Game 1 ng 2016 Aspirants’ Cup best-of-three champion ship ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naisaayos ng Bakers at Accelerators ang titular showdown nang kapwa walisin ang Tanduay at Caida Tiles, sa kani-kanilang semifinal playoff.Ginapi ng Café France ang Tanduay, 72-63; habang tinalo ng Phoenix ang Caida, 94-90.

Naniniwala si coach Egay Macaraya na taglay ng kanyang koponan ang kakayahan at katangian upang makamit ang asam na tagumpay.

“Nag-champion na yung mga bata and I think they’re matured enough para maglaro ng crucial games,”ani Macaraya.

(Marivic Awitan)