STA. ROSA, Nueva Ecija - Dahil matagal nang nagdurusa sa depression, isang 49-anyos na magsasaka ang nagpatiwakal sa paglaklak ng isang bote ng pesticide sa Purok 7, Barangay Rajal sa bayang ito, nitong Martes.

Kinilala ng Sta. Rosa Police ang nagpakamatay na si Arsenio Estrada y Moya, may asawa, magsasaka at obrero, na natagpuang nakahandusay sa kalsada sa tapat ng bahay ng kanyang kaanak.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Daniel Villanueva, natagpuan ng pinsan ni Estrada sa tabi ng bangkay ang isang basyo ng bote ng pesticide.

Ayon sa ina ng biktima, 10 taon na nitong iniinda ang depression. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog