TO the maximum level daw ang stress ng kilalang male TV host ngayong isa-isa nang nag-aalisan ang mga staff ng kanyang programa dahil hindi siya makasundo.

Ang alam namin ay matagal nang isyu sa TV host na laging iniiwanan ng production staff at madali rin naman siyang nakakakuha ng mga kapalit.

“Paanong hindi mag-aalisan, hindi nila kasundo si _____ (TV host) dahil iba-iba ang gusto,” kuwento ng taga-network tungkol sa pag-aaklas ng mga staff ng programa ng TV host. “Hindi maintindihan ang mga desisyon niya at kung makasigaw sa maraming tao akala mo alila niya ang staff. Hindi porke’t pasuweldo mo ang tao, puwede mo nang sigawan sa maraming tao, puwede namang kausapin na kayo lang, di ba?”

Tanong namin, hindi ba’t loyalist ng TV host ang mga staff niya? Katunayan, noong hindi pa nagre-reformat ang programa nito ay hindi umalis ang mga ito.

Musika at Kanta

JK Labajo, bukas sa ideyang maka-collab si Darren Espanto

“Eh, kasi noon, hawak niya sa leeg at kung anu-ano’ng binibigay niya para hindi umalis. Eh, ngayon waley na, at ang baba ng suweldo ng staff niya ngayon, ‘tapos walang oras ang work, kaya iniiwan siya.

“OJT (on the job training) ang madalas kunin para puwedeng maliit ang bayad, eh, iniwan pa rin kasi hindi nga maganda ang palakad, pati EP at AP, wala ring galang kausap,” kuwento pa sa amin.

Hmmm, kaya pala ‘yung mga staff ng TV host ay nakita naming nasa mga bagong programa na ng ibang TV network, puwede pala silang lumipat kaagad.

“Eh, hindi naman station produced ang programa ni _____ (TV host) kaya puwede,” sabi sa amin.

Akala namin ay nagbago na si TV Host, hindi pa rin pala. (REGGEE BONOAN)