INAMIN ni Jessica Lowndes na ang “engagement” niya sa SNL veteran na si Jon Lovitz ay hindi totoo at ito ay para mai-promote lang ang bago niyang music video.

Sa video, para sa awiting Deja Vu, gumaganap si Lovitz bilang love interest ni Lowndes, maliban sa twist sa katapusan at ito ay… hindi natin alam kung ano, dahil aminin na natin: Hindi natin pinapanood ang nasabing video.

TL; DR: Hindi totoong engaged na sina Jessica Lowndes at Jon Lovitz, pero gusto ng dating 90210 star na mapansin ng lahat ang music career niya.

Naging bukas si Lowndes sa maling impormasyon sa kanyang post sa Instagram at sinabing, “I know it’s still the last week of March, but is it too early to say, ‘April Fools?’” (Yahoo News/Celebrity)
Tsika at Intriga

Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose