CAMP MACABULOS, Tarlac City - Nakababahala ngayon ang operasyon ng mga kawatan, dahil binabaklas nila ang bubungan ng kanilang nilolooban, gaya ng nangyari sa Fortuna Avenue grocery store sa Sitio Suba, Barangay Matatalaib, Tarlac City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Wilson Ducusin, nakatangay ang mga kawatan ng P10,000 halaga ng mga barya, kahun-kahon ng sigarilyo na hindi pa tukoy ang halaga, at grocery items.

Dakong 9:00 ng gabi nang isinara ni Noel Tanedo, 34, ng Bgy. Sto. Cristo sa Tarlac City ang kanyang tindahan sa Sitio Suba, at sinamantala ito ng mga kawatan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog