WEEKEND ng Holy Week, ang daming lumabas sa Instagram (IG) accounts ng mga nagseseksihang celebrities ng kani-kanilang photos tulad nina Rhian Ramos, Valeen Montenegro, Jessy Mendiola, Sheena Halili, pero may tatalo pa ba sa ipinost ni Marian Rivera, na after four months na isinilang si Baby Letizia, ay napakaseksi sa kanyang muling pagsusuot ng two-piece swimsuit?

Sino pa nga ba ang nag-shoot ng picture niya kundi ang asawang si Dingdong Dantes nang magpalipas sila ng Holy Week sa Busuanga, Palawan, kasama ang kanilang baby.

Doting parents sina Dingdong at Marian kay Baby Zia na nakakatuwa ang ipinost na kuha sa anak na parang nagsa-sunbathing, todo smile, at hindi takot sa araw. Agad itong nag-trending sa Twitter worldwide. Ang caption ni Marian sa naturang picture sa IG: “I fall in love with you more and more everyday anak, hayyy! #priceless.

Si Dingdong, ang caption sa IG account naman niya habang karga si Baby Zia at nakaharap sila sa blue sea: “She was quiet and attentive during the whole three minutes. It was as if she understood what was transpiring. I would just like to think that these are early attributes of a climate warrior in the making.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Advocacy talaga ni Dingdong as commissioner at-large ng National Youth Commission ang climate change na dapat nang bigyan ng pansin lalo pa at may mga paalaala na tungkol sa nakaambang posibilidad ng Ondoy 2 sa Pasig, Marikina at San Mateo, kung hindi mabibigyan ng solusyon ang problema.

Magiging busy na ang mag-asawa sa TV shows nila, si Marian sa taping ng Encantadia 2016 at ng bagong talk show niya.

Si Dingdong naman ay may special performances sa Poor Señorita na muling pagsasama nila ni Regine Velasquez.