Labis na dinamdam ng isang 12-anyos na estudyante ang madalas na pag-aaway ng kanyang mga magulang hanggang sa nagbigti siya sa Bacnotan, La Union, nitong Linggo ng gabi.

Patay na nang idating sa Bacnotan District Hospital ang bata, na estudyante sa Bitalag Integrated School.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bago nagpakamatay ang bata ay nasaksihan pa nito ang pag-aaway ng mga magulang.

Sa kainitan ng pagpapalitan ng masasakit na salita ng mag-asawa ay pumasok sa kanyang silid ang bata at nagbigti gamit ang lubid.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nakita ng nakababatang kapatid ng biktima ang nakabitin at wala nang buhay na paslit kaya agad itong ipinagbigay-alam sa mga magulang, na natigil sa pag-aaway.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang bata, na napaulat na minsan na ring nagtangkang magpatiwakal dahil sa pag-aaway ng mga magulang. (Fer Taboy)