Ni JIMI ESCALA

Patrick at Nikka NAKAUSAP namin nang hindi sinasadya si Patrick Garcia sa telepono noong isang araw. Tumatawag kami sa isang kaibigan pero ang numero pala ng kaibigan din naming si Patricio ang napindot namin!

After ng kamustahan ay nagkuwento si Patrick na maayos ngayon ang buhay married life nila ng asawang si Nikka Martinez. Aniya, labis-labis ang pasasalamat niya sa Diyos na ibinigay sa kanya si Nikka na isang mabait na asawa at ina ng mga anak nila. 

“’Yung sa amin kasi ni Nikka, eh, dumadaan din naman kami sa tampuhan but we see to it na magkaayos agad. Before we got married, eh, nabigyan din naman namin ng tamang panahon ang aming relasyon. Kumbaga, after na masiguro namin na okey na, saka kami nagpakasal,” kuwento ni Patrick na nalaman naming may gagawing bagong TV project pero ayaw muna niyang magbigay ng detalye.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa ni Patricio, kahit nagkaroon muna sila ng anak bago naisipang magpakasal, ipinagpapasalamat nila na lalo silang tumibay sa kanilang relasyon at nabigyan sila ng pagkakataong mag-isip bago sila nagpakasal. 

Nang matiyak nila na magkasundung-magkasundo sila at handa nang pumasok sa panghabang-buhay na commitment, saka sila nagdesisyon. Ngayon, isang taon na silang kasal.

Matandaang nabuntisan ni Patrick si Jennylyn Mercado at may mga nagpumilit sa kanila na magpakasal, pero noong nasa harapan na sila ng isang judge ay napansin ng huli na parang napilitan lang silang dalawa.

Kaya hindi sila nagkatuluyan. At malamang kung ang aktres nga ang napangasawa ni Patrick ay baka hindi sila nakaisang taon at naghiwalay agad, huh!