Ni REGGEE BONOAN

Gary Estrada at Bernadette Allyson copyNAKAKAINGGIT ang mag-asawang Gary Estrada at Bernadette Allyson na namumuhay na kuntento sa probinsiya, sa 3.5 hectares property na nabili ni Gorio sa San Antonio, Quezon noong bago pa lang siyang nag-aartista.

Sa napanood namin sa ABS-CBN news na kuha ng Rated K, ikinuwento ng mag-asawa na parati silang nasa farm dahil napakasimple ng buhay nila roon kumpara sa Maynila.

Hindi naman itinanggi ni Gary na inunti-unti lang niya ang pag-develop sa lupang nabili niya, siya mismo ang nag-aasikaso, at pati ang bahay nilang mag-anak ay simple rin, modernong bahay kubo.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa malawak na bakuran nina Gary at Bernadette, may tatlong kabayo na ipinakitang nanginginain ng damo at may sarili ring kuwadra.

Napakaraming punongkahoy na may mga bunga sa paligid ng modern bahay kubo nila kaya nai-imagine namin kung gaano kapresko ang hangin doon habang nagpapahinga sila sa rocking chair sa malaking balkonahe.

“Stress reliever ko itong farm kapag galing ako sa trabaho sa Maynila,” sabi ng aktor na incumbent board member din ng 2nd District ng Quezon Province.

Nabanggit din ni Gary na kapag nasa Maynila siya, dapat ay nakaligo na paglabas niya ng bahay at nakabihis ng maayos, hindi katulad kapag nasa farm siya na puwedeng hindi maligo ng buong araw at puwedeng magsuot ng butas na shorts at t-shirt.

Maging ang tatlong anak na babae nina Gary at Bernadette ay mas gusto ang buhay-probinsiya dahil nagagawa nila ang gusto nilang gawin at base rin sa ipinakita ay naglalaro sila ng softball sa napakalawak nilang bakuran.

Akalain mo, ang dating Manila boy at kaliwa’t kanan ang chicks noong aktibo pa sa showbiz ay heto at simpleng tao pala kapag wala sa harap ng kamera at higit sa lahat, kapuri-puri bilang responsableng asawa at ama.