ISINILANG na ang ikaapat na anak ni James Van Der Beek at asawang si Kimberly.

“2 days ago @vanderkimberly & I were lucky enough to welcome a little baby girl into the world,” tweet ng aktor nitong Biyernes, inihayag na ito ay pinangalanan nilang Emilia Van Der Beek.

“Crazy how deeply in love you can fall with someone you just met,” pagbabahagi ng CSI: Cyber actor tungkol sa kanyang baby girl.

Si Emilia ay mainit na sinalubong ng kanyang mga nakatatandang kapatid na sina Olivia, Annabel Leah, at Joshua.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Nobyembre nang ibinahagi ni Van Der Beek, 39, ang magandang balita na magkakaroon na sila ng bagong baby, kalakip ang isang Instagram shot.

“Nothing like having a much-improved 2.0 version of yourself around to remind you just how much better you can be,” caption ni Van Der Beek. “Happy 4th birthday to my guy... As sensitive as he is strong, as soulful as he is playful... And the kid know how to time a jump for a picture #BirdsInTheBackground #HesANatural Love you beyond, bud.” (ET Online)