Isasagawa ng Philippine Sports Commission (PSC), sa ilalim ng Women In Sports Program at Sports For All ang tatlong araw na lecture seminar na layuning palakasin at palawakin ang pag-unawa at paglahok ng mga kababaihan sa komunidad ng palakasan ngayong Marso 28-30, sa Davao City.

Magsisilbing pangunahing tagapagsalita ang mga beteranong tagapagtaguyod ng Gender Equality na sina Angela Muller at Tonan Gelmi, kapwa mula sa Switzerland, para ipaliwanag ang importanteng papel at responsibilidad ng mga kababaihan sa tagumpay ng sports.

Sinabi ni PSC Sports for All Commissioner-In-Charge Gillian Akiko Thomson-Guevara na napapanahon nang bigyan ng kaukulang importansiya ang paglahok ng mga kababaihan lalo pa na binibigyang prayoridad ito ng International Olympic Committee (IOC) hindi lamang sa iba’t-ibang malalaking torneo kundi pati sa personal na pag-unlad.

Ang seminar, na may tema na Impulse: Women Empowerment ay isasagawa sa Seda Hotel sa Davao City.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya