AFTER our morning Sunday service sa Sto. Niño de Tondo ay naimbitahan kami ng kasamahan namin sa Greeters and Collectors na si Sis. Josie Ang sa bahay nila para sa isang pananghalian. Tiyempong pinapanood ng mga kasamahan nila sa bahay ang programang Sunday Pinasaya ng GMA-7.

Sa totoo lang, first time naming natutukan nang husto ang naturang programa. In fairness, aliw na aliw kami sa Sunday variety show.

“Dati ASAP ang pinapanood namin pero ngayon, eh, Sunday Pinasaya na,” eksplika ng may-ari ng bahay na sa pagkakalam daw niya ay maka-Dos kami, huh!

Totoong nakakaaliw ang show nina Ai Ai de las Alas and company. Enjoy na enjoy ang mga kasabay namin nanananghalian habang nanonood ng nasabing programa. Tawa nang tawa ang lahat sa Summer Bikini contest.

Karina Bautista, PH navy reservist na

“Sobrang napakagaling ni Wally Bayola sa impersonation niya kay Kuya Boy (Abunda), kopyang-kopya niya ang kilos at pagsasalita,” sabi ng isa sa kasamahan namin na very loyal pala sa mga palabas ng Kapamilya Network, lalung-lalo na sa Tonight With Boy Abunda at iba pang mga show ni Kuya Boy.

Kaya kumbinsido na kami ngayon na nakipagpukpukan palang talaga ang Sunday Pinasaya sa ASAP ng Dos na ilang dekada nang namamayagpag sa ere.

Isa rin sa ikinagulat namin ang aming kaibigang komedyanteng si Atak, hindi lang dahil sa napanood namin siya sa Siyete kundi napatawa niya kami nang husto. May ibubuga talaga si Atak sa pagpapatawa!

“P’wedeng maging regular si Atak sa Sunday Pinasaya, tutal wala na si Direk Wenn (Deramas),” sey pa ng birthday girl na kasamahan namin. (JIMI ESCALA)