LIAN, Batangas – Nasugatan ang isang security guard matapos barilin ng kanyang kasamahan dahil sa paghingi ng kanyang parte sa service charge na ibinigay sa kanila nitong Miyerkules ng umaga sa Barangay Matabungkay, sa bayang ito.

Kinilala ang biktima na si Resty C. Orlando, residente ng Bgy. Arumahan, Lemery, habang ang suspek ay si Buddy Castillio, 41, ng Bgy. Matabungkay, kapwa security guard sa Coral Beach Resort, dito.

Ayon sa ulat, dakong 6:40 nagpapatrulya sina SPO2 Ranie Ebora at PO3 Elmer Magana ng Lian Police sa nasabing lugar, nang inulat sa kanila ni barangay tanod Daniel Delios ang pagkakabaril sa suspek sa nasabing resort.

Ayon sa imbestigasyon pauwi na ang biktima matapos ang kanyang duty nang magkasagutan sila ng suspek.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Hinihingi ng biktima ang komisyon nito sa service charge na ibinigay sa kanila, at sa puntong ito ay iginiit sa suspek na makita ang pay slip upang malaman ang kanyang parte bilang reliever.

Nairita ang supek at binaril ang biktima ng cal. 38 service firearm nito bago tumakas patungo sa Bgy. Binusbusan, sa bayan ding ito.

Tinamaan ang biktima sa dibdib ngunit nagawang makatakbo palayo sa suspek at humingi ng tulong sa mga opisyal ng Barangay Layuhan na nagdala sa kanyang sa West Batangas Medical Center, sa bayan ng Balayan. (Danny J. Estacio)