Patay ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo nang bumangga ang mga ito sa isang container truck sa Naguilan, La Union kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Naguillan Municipal Police Station(NMPS), naganap ang insidente sa Baguio-Naguilian Road, Barangay Dallipaoen, Naguilian, La Union.

Kinilala ang mga biktima na sina Mark Kevin Flores, 22, binata, at Isagani Irenio, residente ng Bgy. Ballai, Bauang, La Union.

Sinabi ni PO1 Arsenio Arlene, ng NMPS, minamaneho ni Flores ang motorsiklo pauwi para magbakasyon at nag-overtake sa sinusundang pampasaherong bus na minaneho ni Rogelio Aberin, 61, may asawa, ng Bgy. Baraos Sur, Naguilan, La Union.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ngunit nabulaga ang riding-in-tandem nang biglang sumulpot ang humahagibis ng container truck, na minamaneho ni Ferdinand Corpuz, 24, binata, ng Bgy. Nagsabaran, San Juan, La Union.

Sa lakas ng pagkakabangga tumilapon ang dalawang biktima at nagulungan ng pampasaherong bus.

Sumuko sa pulisya driver ng bus at ng truck. Nahaharap sila sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Fer Taboy)