Tinanghal ng Philippine National Police (PNP) ang Quezon City Police (QCPD) bilang best police district sa Metro Manila na may pinakamaraming nahuli at nakasuhan bunga ng mahigpit na kampanya ng Oplan Lambat, Sibat laban sa kriminalidad.

Kabilang sa mga nagawa ng QCPD upang tanghaling pinakamagaling na police district ay ang pagkakaaresto ng District Anti–Illegal Drugs (DAID) sa dalawang miyembro ng Chinese drug syndicate sa pamumuno ni P/Supt. Enrico Figueroa sa Green Meadows Ave., E. Rodriguez Jr., Bgy. Ugong Norte, Quezon City at pagkakumpiska ng P100 million halaga ng shabu nitong Marso 22.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Edgardo G. Tinio, ang pinakamaraming nagawa ng 12 police station ng QCPD ay pagsugpo sa mga holdaper, drug pusher/ user, akyat-bahay, carnapping/ carjacking , at pakakapaslang sa magnanakaw at holdaper na riding-in-tandem sa Novaliches kamakailan.

Batay sa record ng QCPD Oplan Lambat, Sibat, mahigit 100 kriminal ang kinasuhan sa korte. (Jun Fabon)

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens