FEELING husband and wife na ang aktor at aktres dahil kapag masama ang pakiramdam ng huli ay super alala ang una at talagang agad niya itong pinupuntahan para alamin ang kalagayan.

Naloloka nga ang kampo ng aktres nang minsang magpang-abot ang aktor at ang business manager ng aktres sa bahay ng huli ay labis-labis sa kasasabi ng pasasalamat ang feeling husband sa pagdalaw sa babaeng minamahal.

Hindi tuloy alam ng kampo ng aktres kung ano ang ikikilos dahil nga hindi naman close ang aktor at ang manager dahil sa mga nakaraang isyu sa kanila.

Pero natutuwa na rin ang kampo ng aktres dahil nakita nilang responsible na pala ang actor, hindi na katulad noon.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Malaki na raw ang ipinagbago ng aktor ngayon kaya siguro nagustuhan ulit siya ng aktres at duda nga ng lahat ay baka sila na ang magkatuluyan.

Samantala, todo bantay rin kasi ang aktor dahil maraming nagpapalipad-hangin sa aktres at sa katunayan ay mas nakakahigit sa kanya ang mga ito.

Pero walang dapat ipag-alala ang aktor dahil mukhang may suot na helmet ang aktres, kahit mauntog ay hindi magbabago ng isip. Dedma siya sa ibang guys na nagpaparamdam sa kanya. (Reggee Bonoan)