CONGRATULATIONS kay Alden Richards sa very successful first major concert niya nitong nakaraang Biyernes.

Punung-puno ang venue at may post sa Twitter na “Sold Out” limang oras bago nag-open ang gates ng Ynares Center, sa Antipolo City. Thankful ang AlDub Nation na kahit kulang sa promotion at marketing ang producers, nagtagumpay sila dahil sa kanila ipanamahala ang promotion sa pamamagitan ng social media at fan art posters. 

Nagpasalamat sila sa lahat ng fan clubs na sumuporta para magtagumpay ang concert.

Napansin namin na inilagay nila sa isang magandang lugar ang mga senior citizens na nakipagpuyatan sa show. 

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Maaga pa ay may natanggap na kaming tweet na darating sakay ng chopper ang ka-love team ni Alden na si Maine Mendoza at nasa venue na raw, pero sorpresa raw iyon kay Alden. 

Ibang Alden Richards ang napanood nang gabing iyon ng nagtitiliang fans, hindi na lang ang songs niya sa albums ang kinanta niya nang live, maraming iba pa, plus new dance moves. Special guests niya sina Andrea Torres at Mike Tan, para sa new afternoon prime nilang The Millionaire’s Wife. Guests din niya sina Boobsie Wonderland, Ate Regs at Kim Idol.

Alden dedicated the whole show to God, na nagbibigay sa kanya ng lahat ng blessings. Kinanta niya ang inspirational song sa album niya na How Great Is Our God. Isinunod niya ang title ng album niyang Wish I May at bumaba siya sa audience.

Pag-akyat sa stage, nagsimula nang umiyak si Alden habang nagpapasalamat at sorry raw kung naging emotional siya.  

“Maraming salamat sa inyong suporta, sa lahat ng fans, dahil kung wala kayo, walang mga artista, kung wala kayo, walang Alden Richards. P’wede pong mag-request? Please, lahat po, spread your arms – para na ring yakap ko kayong lahat.” At sinunod naman siya ng audience.

Lalong napaiyak si Alden nang kantahin na niya ang God Gave Me You, na paborito nila ni Maine, habang ipinapalabas ang video ng ka-love team na naghayag ng suporta sa kanya. Then ipinakita ang mga pictures nilang magkasama na mostly ay kuha sa kanilang kalyeserye. Walang nag-appear na Maine in person, pero may mga videos na lumabas na naroon nga si Maine, sa vacant seats sa itaas ng stage, pero hindi ipinaalam kay Alden na nandoon siya. Tiyak daw pinili ni Maine na panoorin lamang mula sa itaas ng Ynares Center mag-perform si Alden at huwag agawin ang limelight sa actor. (NORA CALDERON)