PORTLAND, Ore. (AP) — Nakalista na sa diary ni Vashti Cunningham ang pagdalo sa prom, pamamasyal sa Disneyland at ang nalalapit na graduation.

Ngunit, higit pa sa pangkaraniwang selebrasyon ang susuungin ng 18-anyos na si Cunningham. Kabilang na rin sa kanyang paghahandaan ang Rio Olympics.

Inaasahang pinakamasayang summer ang matitikman ng anak ni NFL quarterback Randall Cunningham matapos itong mapasama sa US athletics team na sasabak sa Rio Games sa Agosto bunsod ng naitalang kasaysayan sa World Indoor Championship nitong Linggo (Lunes sa Manila).

“I’m excited on the inside and keeping it calm on the outside,” pahayag ni Cunningham, nagawang malagpasan ang bar sa taas na 6 feet at 5 inches para makamit ang gintong medalya sa women’s high jump at tanghaling pinakabatang babaeng atleta na naging kampeon sa kasaysayan ng world indoor.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

“It means a lot to be the world champion this young. I did not think that I would not be here right now at 18 years old,” aniya.

Ito ang panibagong karangalan na nasikwat ni Cunningham, nagtala ng bagong record sa American high school at U.S. indoor championship sa nakalipas na weekend.

Kabilang si Randall Cunningham, tumatayo ring coach sa batang anak, sa crowd na napatalon sa labis na kasiyahan nang ipahayag ang panalo ng anak sa Portland Convention Center.

“The people have been so supportive of her,” pahayag ni Randall Cunningham. “Vashti has never had people clap when she’s about to jump. And they know exactly when to clap. They’re like the Seattle Seahawks — the 12th man,” aniya.

Umani ang United States ng kabuuang 23 medalya sa torneo, kabilang ang 13 ginto.