Snooky Cerna

Ni JIMI ESCALA

KUNTENTO and happy si Snooky Serna sa takbo ng kanyang career at personal na buhay. 

Ito ang kuwento mismo niya sa amin nang makatsikahan namin siya kamakailan. Sunod sunod pala ang projects niya ngayon. 

Tsika at Intriga

Nadine inokray sa toy collection, gaya-gaya raw kay Marian

“Hindi naman tayo dapat manghinanakit sa anumang dumating sa atin. Basta sa ngayon, eh, masaya ako at kuntento sa anumang blessing na ibinibigay ni Lord sa akin,” sey ni Snooky. 

Labis ang pasasalamat niya na isinama siya ng GMA-7 sa seryeng Poor Señorita na pinagbibidahan ni Regine Velasquez. Kakaibang karakter daw ang gagampanan niya.

“Maldita ako, at medyo magpapahirap kay Regine pero abangan na lang nila dahil may kakaibang kuwento ito,” sey pa ng aktres. 

First time makakasama ni Snooky sa isang project si Regine kaya hindi raw maiaalis na medyo na-intimidate siya kay Songbird. Pero nawala raw ang lahat ng kaba niya nang makaharap at makausap na niya ang ito. 

Inamin din ni Snooky na masaya ang lovelife niya ngayon. Hindi naman niya itinanggi na ang dating vice governor ng Bulacan na si Ramon Villarama nagpapaganda ng pananaw niya ngayon sa buhay.

“Dapat lang na maging masaya ang lahat. Masaya rin nga ako para kina Ricardo (Cepeda) at Marina (Benipayo). Mahal naman nila ang isa’t isa. Mahal ni Marina ang anak ko. She’s really a good person,” banggit pa ni Snooky.