Novak Djokovic

INDIAN WELLS, Calif. (AP) — Nadugtungan ni Novak Djokovic ang dominasyon kay Rafael Nadal sa hard court nang itarak ang 7-6 (5), 6-2 panalo nitong Sabado (Linggo sa Manila) para makausad sa championship match ng BNP Paribas Open dito.

Makakaharap ng world top-ranked player si Milos Raonic sa finals sa Linggo (Lunes sa Manila) kung saan target ni Djokovic na masungkit ang ikalimang titulo sa disyerto ng California. Asam din niya na makopo ang three-peat sa torneo.

Sa kabuuan ng kanilang head-to-head duel sa hard court, tangan ni Djokovic ang 18-7 bentahe kay Nadal kabilang ang huling pitong tournament mula nang gapiin siya ng Spaniard star noong 2013 U.S. Open final.

Putol na ang sumpa! UST tinapos na ang 9 taon losing streak sa Ateneo

“I managed to stay composed and serve well in important moments and just believed that I can win,” sambit ni Djokovic.

Nabigo naman si Nadal, three-time winner dito, na makamit ang ika-100 career singles final. Ito ang ikalawang kabiguan niya kay Djokovic ngayong season. Nagwagi rin ang Serb power hitter sa final match sa Doha nitong Enero.

“Today was closer than the last couple of times against the best player of world, so was a very positive week for me,” pahayag ni Nadal.

Naitala naman ni Raonic ang 10 aces sa matikas na 6-3, 3-6, 6-3 panalo kontra David Goffin.

Nagwagi si Raonic nang unang titulo ngayong taon matapos gapiin si dating world No.1 Roger Federer sa Brisbane at makausad sa semi-finals ng Australian Open.