Conakry (AFP) – Dalawang katao mula sa isang pamilya ang namatay sa Ebola sa Guinea, sinabi ng gobyerno nitong Huwebes, kasabay ng pagdeklara ng World Health Organization ng pagkalat ng virus sa katabing Sierra Leone.

Lumabas sa mga pagsusuri na ang dalawang pasyente ay mayroong Ebola haemorrhagic fever virus, ayon sa gobyerno, habang iniimbestigahan ang iba pang pinaghihinalaang kaso.

Ito ang unang kaso sa Guinea simula nang ideklara ang bansa na Ebola free bago magtapos ang 2015.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo