Mga laro ngayon

(MOA Arena)

4:15 n.h. -- Meralco vs Blackwater

7 n.g. -- Globalport vs Star

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Asam ng Meralco na makabalik sa winning track matapos sumadsad nang dalawang sunod para makapagsolo muli sa itaas ng team standings sa pagpapatuloy ng aksiyon sa OPPO- PBA Commissioner’s Cup ngayon sa MOA Arena.

Naputol ang five-game winning strek ng Bolts matapos matalo sa San Miguel Beer at sister squad NLEX noong Marso 11 sa iskor na 99-104 sa Big Dome.

Haharapin ng Meralco ang Blackwater sa 4:15 ng hapon, habang magtutuos ang GlobalPort sa Star sa ganap na 7:00 ng gabi.

Sa panig ng Elite, hangad din nitong makabalik sa winning track makaraang mabigo sa kanilang huling laro sa kamay ng Barangay Ginebra noong Marso 13 sa Philsports Arena sa iskor na 79-89.

Dahil sa nasabing kabiguan, nasama ang Elite sa five-way tie sa ikaapat na posisyon taglay ang barahang 3-4, kasalo ng defending champion Talk ‘N Text, Mahindra, NLEX at Star Hotshots.

Magkukumahog ang Hotshots upang makakalas sa nasabing five-way tie sa tulong ng kanilang bagong import na si Ricardo Ratliffe, pumalit sa kanilang resident import na si Denzel Bowles na umuwi ng US dahil sa pagkamatay ng isang kapamilya.

Produkto ng University of Missouri at beterano ng isang Korean league, umaasa si coach Jason Webb na makakapag-adjust na sa larong Pinoy si Ratliffe kasunod ng huling panalo nila sa Phoenix (91-75) kung saan tumapos itong topscorer na may 21 na puntos.

Sa panig naman ng Global port, magsisikap itong makaahon mula sa kinasadlakang kabiguan para manatiling buhay ang kampanya. (Marivic Awitan)