Pinabagsak ng Our Lady of Lourdes Technological College-Cars Unlimited ang Microtel Plus, 93-75, at pinataob ng New San Jose Builders ang Jamfy-Secret Spices, 77-73, upang itala ang kanilang unang panalo sa 2016 MBL Open basketball championship, sa Rizal Coliseum.

Si dating Adamson University player Ivan Villanueva ay namuno ng balanseng atake para sa OLLTC-Cars Unlimited, nanalo sa unang pagkakataon sa kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Bread Story, Dickies Underwear, PRC Coutiers at Gerry’s Grill.

Tumipa si Villanueva ng 22 puntos, habang tatlong iba pang player ang umiskor ng double digit para ma abutan ang paghahabol ng karibal sa krusyal na sandali.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sina Rey Mendez, Julian Sargeant, Seraj Elmejrab, Josh Barnes, at Dave Catamora ang nagdala ng laban para sa Microtel ni coach Jun Da Jose.

Si Mendez, naglaro sa ANA Water sa PBL, ay gumawa ng 18 puntos. Si Sargeant ay may 15, Elmejrab 14, Barnes 11, at si Catamora na may siyam na puntos.

Samantala, sumandal ang San Jose Builders sa mahusay na outside shooting upang sorpresahin ang Jamfy-Secret Spices team.

Sina Renato Palogan at Mark Maloles ay nagtumpok ng pinagsamang 31 puntos para sa NSJBI nina manager Jomar Acuzar, consultant Jinino Mansndala at coach Rainier Catpio.

Nanguna si Rene Boy Banzali para sa Jamfy sa kanyang 20 puntos.

Iskor:

(Unang laro)

OLLTC-Cars Unlimited (93) -- Villanueva 22, Polican 12, Naluz 11, Garcia 10, Pineda 8, Marilao 8, Torrado 6, Dumos 5, Gawingan 5, Castro 3, Brutas 3, Ordonez 0, Villar 0.

Microtel Plus (75) -- Mendez 18, Sargent 15, Elmejrab 14, Barnes 11, Catamora 9, Kalaw 4, Bandaying 2, Sanchez 0, Vacaro 0.

Quarterscores:

20-26, 47-41, 58-57, 93-75

(Ikalawang laro)

San Jose Builders (77) --Palogan 16, Maloles 15, Ambulodto 10, Manansala 8, Carpio 6, Sumay 6, Puspus 6, Telles 4, Acuzar 2, Gian 0.

Jamfy-Secret Spices (73) -- Banzali 20, Garcia 17, Villarta 10, Namocatcat 9, Asoro 8, Jimenez 7, Baull 4, Zapanta 0.

Quarterscores:

16-23, 33-38, 58-52, 77-73