Laro sa Biyernes

(Rizal Memorial Baseball Stadium)

8:30 n.u. -- Adamson vs UST

Nakahirit ang University of Santo Tomas ng winner-take-all match matapos ungusan ang defending champion Adamson University,6-5, sa Game Two ng UAAP Season 78 softball Finals.

PBA fans, tinawag na ‘anak sa labas’ si Abueva dahil daw sa unfair na hatol ng PBA

Dahil sa pagkakatabla ng best-of-three series,magkakaroon ng decider game sa Biyernes.

Ang walk-off hit ni CJ Roa na naghatid kay Kristine Lacupa sa home plate ang siyang nagpanalo sa Tigresses.

Muntik pang nabigo ang Tigresses dahil hindi basta sumuko ang Lady Falcons.

Isang out na lamang ang kailangan para tuluyang maangkin ang panalo,nagtala si Gelyn Lamata ng 3-run homer para itabla ang laro sa 5-5.

Dulot ito ng desisyon nilang patuntungin ng first base si league MVP Queeny Sabobo bago ang homerun ni Lamata.

"No regrets, it's just one point," ani UST mentor Sandy Barredo.

Ang kabiguan ang ikalawa ng Adamson sa loob ng anim na taon kasunod ng pagputol ng Tigresses ng kanilang record 73- game winning run.

Anuman ang kahinatnan ng Game Three,masaya na umano sila ayon kay Barredo dahil nag- overachieved, na ang UST partikular sa nakamit nilang karangalan bilang koponan na pumutol sa historic win streak ng Adamson.

"It's anybody's ballgame," ayon pa kay Barredo. "The girls are very matured now. They wanted to win. We will just play good." (Marivic Awitan)