OAKLAND, California (AP) —Suwerte nga sa ibang araw, sa kaarawan pa kaya.

Ipinagdiwang ni Stephen Curry ang ika-28 taong kaarawan sa naitalang 27 puntos, limang rebound at limang assist para pangunahan ang Golden State Warriors sa 125-107 panalo, nitong Lunes ng gabi (Martes sa Manila).

Bunsod ng panalo, nahila ng Warriors ang regular-season home victory sa 49 na sunod at 31-0 ngayong season sa Oracle Arena. May nalalabi pang 16 na laro kung kaya’t lumalakas ang kampanya ng defending champion na mapantayan ang 72-10 marka ng 1995-96 Chicago Bulls.

Nag-ambag si Draymond Green ng 14 na puntos at 12 rebound para sa Warriors (60-6).

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nanguna sa Pelicans si Anthony Davis sa naiskor na 22 puntos at 11 rebound.

THUNDER 128, BLAZERS 94

Sa Oklahoma City, naikasa ni Russell Westbrook ang 17 puntos, 16 assist at 10 rebound para sa ika-12 triple-double performance ngayong season matapos apulahin ang Portland Trail Blazers.

Sa kabuuan ng kanyang career, naitala na ni Westbrook ang 31 triple-double para pantayan ang marka ni Rajon Rondo ng Sacramento sa pinakamaraming assist na hindi nakapagtala ng turnover.

Nag-ambag si Enes Kanter sa Thunder sa nakubrang season-high 26 na puntos, habang kumana si Kevin Durant ng 20 puntos at may natipang 15 puntos si Serge Ibaka.

Nanguna sa Portland si Damien Lillard na kumubra ng 21 puntos at may 15 puntos si C.J. McCollum.

BULLS 109, RAPTORS 107,

Sa Toronto, nakalusot ang Chicago Bulls, sa pangunguna ni reserve Doug McDermott na nakaiskor ng 29 puntos, kontra host Raptors.

Kumubra naman sina E’Twaun Moore at Nikola Mirotic na may tig-17 puntos para makumpleto ng Chicago ang dominasyon sa Toronto sa ikalawang season. Huling nanalo ang Raptors sa Bulls noong Disyembre 31, 2013.

Nagsalansan si Jimmy Butler, nagbalik laro mula sa injury, sa nailistang 13 puntos mula sa 5-of-18 shooting.

Nanguna si Kyle Lowry sa Raptors sa nakubrang 33 puntos at 11 rebound, habang kumana si DeMar DeRozan ng 27 puntos.

ROCKETS 130, GRIZZLIES 81

Sa Houston, pinatahimik ng Rockets ang Memphis Grizzlies para sa pinakamalaking bentaheng panalo ngayong season.

Nabigo ang Rockets na mapantayan ang franchise history para sa pinakamalaking bentahe (52) nang maisalpak ni Grizzlies forward JaMychal Green ang 3-pointer may 5.2 segundo sa laro.