NAPASYAL kami ng mga kasamahan namin sa Greeters and Collectors Ministry ng Sto. Nino de Tondo sa isang sosyal na department store sa Makati. Napansin ng isang kasama namin na may pinagkakaguluhan ang ilang tao sa department store kaya nakiusyoso kami.

Muntik naming hindi makilala noong una (ikukuwento namin kung bakit), pero isang mahusay at kilalang aktres pala ang pinagkaguluhan at panay ang pakuha ng picture ng ilang namimili kasama siya. Siyempre, pinagmasdan ng mga kasama namin ang aktres, na sa totoo lang, hindi lang magaling umarte kundi isa rin sa may pinakamagadang mukha.

Pero nagulat ang mga kasamahan namin sa hitsura ngayon ng aktres, tila may kakaiba kasing ipinagawa sa kanyang mukha. Magmukha siyang siopao at dahil medyo umalsa ang kanyang magandang mukha.

Kakaiba talaga ang hitsura niya ngayon. Komento ng ilan ding nakiusyo, totoo raw pala ang napabalitang pagpapa-botox si Aktres at kung ilang beses na raw nagpapaturok ng collagen sa mukha, huh!

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

“Eh, di ba inamin na rin naman niyang nagpa-inject siya ng pampabata sa abroad?” sey pa ng mga tsismosang nakatabi namin.

Aware naman siguro si Aktres sa malaking pagbabago sa mukha niya at iyon marahil ang dahilan kaya tumatanggi siya sa TV projects.

“Hayan, kasi super obsessed siya sa pagpapaganda ng mukha niya, kaya ang resulta nawala na ang natural na natural na kagandahan niya,” sey pa ng mga nakatabi naming usisera.