Ni WALDEN SADIRI M. BELEN

Ina RaymundoPARA kina Rich Asuncion at Ina Raymundo, swak na swak sa kanila ang pagkakaroon ng banyagang karelasyon.

Sa magkahiwalay na panayam sa press conference ng bago nilang seryeng The Millionaire’s Wife, magkapareho ang kanilang pananaw sa pagkakaroon ng banyagang partner.

Para kay Ina, na lima na ang anak sa asawang si Brian Poturnak, isang Canadian-Ukranian, lubos siyang masaya na banyaga ang nakatuluyan niya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Ako, I can’t imagine being married to a Filipino kasi ‘yung personality ko strong and mas nagco-compliment kami lalo na hindi sila seloso lalo na kapag feisty ang personality mo,” paliwanag niya.

Aniya, “masyadong seloso” ang Pinoy. At ang gusto pa niya sa asawa, malayo sa posibilidad na magkaroon ito ng kabit.

“Hindi uubra sa akin na mag-mistress siya. Hindi talaga. Marami sa mga Pinay ganu’n. Tinatanggap lang nila. Hindi nagmi-mistress ang mga foreigners kasi para sa kanila sakit sa ulo ‘yun. Hindi nila culture ‘yun,” saad niya.

Masayang-masaya rin si Rich sa piling ng kanyang Australian-Pinoy Rugby player si Ben Mudie. At “mas masarap” para sa kanya ang foreigner boyfriend.

“Kasi mas care free sila or baka lang kasi mga taga-showbiz ang mga ex ko. So medyo conscious sa mga sasabihin ng mga tao. Siya kasi walang pakialam. Kung gusto niya akong i-kiss in public, okay lang. Walang ka-echosan,” kuwento naman ng dalaga.

Twenty-seven years old na si Rich, karaniwang edad ng isang babae para mag-asawa pero baka two years pa para mapaghandaan niya ito.

Hindi rin totoo na mag-aasawa na siya dahil wala pa namang proposal na nagaganap.

“Nag-meet na kasi mga parents namin last January nang nag-tour sila sa Pilipinas. Kaya akala nila ikakasal na kami,” sabi ni Rich.

Pero kung sakali, handa na ba siyang magkaroon ng sariling pamilya?

“To be honest, gusto ko. Pero hindi pa kasi puwede. May gusto pa akong ma-achieve. As an individual marami pa akong gustong gawin. Pero siyempre happy ako with him and hindi ako magdadalawang-isip with him,” sagot ni Rich.

Sa The Millionaire’s Wife, apo ng milyonaryongsi Fred Vergara (Robert Arevalo) si Ina Raymundo. Siya ang dahilan kaya malagung-malago ang negosyo ng kanilang pamilya.

Si Rich naman ay gaganap bilang Rio Samson, ang matalik na kaibigan ng bida ng serye na si Andrea Torres.

Directed by Albert Langitan, kasama rin sa cast sina Mike Tan, Jaclyn Jose at Sid Lucero sa The Millionaire’s Wife na ngayong Lunes na ang premiere telecast pagkatapos ng Hanggang Makita Kang Muli.