SA kabila ng malinis at magandang kuwento ng teleseryeng Bakit Manipis Ang Ulap ng TV5 ay hindi pa rin ito makaarya sa ratings game. Sobrang baba pa rin ng nakukuhang rating ng palabas kumpara sa katapat na mga programa ng Dos at Siyete.

“Sobrang nipis kasi ng ulap kaya hindi nakalipad nang husto,” sey tuloy sa amin ng isang beteranang manunulat sa umpukan ng entertainment reporters.

Komento ng isa pang katoto, hindi raw naiahon ng nasabing serye ang career ng bidang si Claudine Barretto. Kumbaga, kabaligtaran sa magandang kapalaran sa takilya ng comeback movie niyang Etiquette For Mistresses, hindi sinuwerte ang pagbabalik telebisyon ng aktres, huh!

“Ano kaya ang dahilan kung bakit pinatay ang character ni Cesar Montano? Hindi siguro nakatulong si Cesar kaya pinatay agad ang character niya,” sey naman ng executive ng kalabang istasyon ng TV5 na kasali sa umpukan.
Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco