BINABASA ni Kris Aquino ang comments sa mga post niya sa Instagram (IG) at ikatutuwa niya na hindi pa man nagsisimula ang “wellness vacation” niya, marami na agad ang followers na nakikiusap na bumalik na siya.

Nakakataba ng puso ang sinasabi ng fans ni Kris na “mornings will never be the same” ‘pag wala nang KrisTV.

Para sa mga nalulungkot at makaka-miss kay Kris, sa text message niya kay Ricky Lo, sinabi ng Queen of All Media na, “I’m not quitting. I just need to get healthy. My doctors said the best way for me to get healthy is to give myself a wellness vacation of at least two to three months.”

Binanggit din ni Kris kay Ricky Lo na aalis sila nina Josh at Bimby sa March 20 for a three-week break abroad. Hindi niya sinabi kung saan sila pupunta, pero sa clue niyang, “it’s our happy place and I get to do my daily walking there,” alam na ng avid fans niya kung saan sila pupunta.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Alam din ng karamihan sa fans niya na hindi tuluyang tatalikuran ni Kris ang showbiz dahil may post siya na: “This isn’t goodbye; I hope you’ll miss me and I hope to see you again soon.”

Habang hindi mapapanood sa TV si Kris, magiging visible pa rin siya via her numerous endorsements. Balita pa niya, may two endorsement shoots siya this March, three in April and three in May.

“I’m not disappearing, I’m only doing what is best for my health,” ayon pa kay Kris.

Ang hindi pa sinasagot ni Kris ay kung magiging active pa rin siya sa social media kahit wala na ang KrisTV.

(NITZ MIRALLES)