CABANATUAN CITY - Patuloy ang pagpapaalala ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na paigtingin ang pag-iingat at maging laging handa at alerto laban sa sunog.

Ayon kay Cabanatuan City-BFP Fire Marshall Chief Insp. Roberto Miranda, para sa ginugunitang Fire Prevention Month ay ikinakampanya ng ahensiya ang pagiging laging handa ng bawat mamamayan laban sa sunog.

Sinabi ni Miranda na ngayong taon ay nakapagtala na ang BFP sa siyudad ng anim na sunog, at kadalasang maling kabit ng kuryente ang sanhi nito.

Kaugnay nito, tuluy-tuloy ang pag-iinspeksiyon ng kawanihan sa mga pampublikong lugar at mga establisimyento upang maiwasan ang sunog.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa katunayan, bago aprubahan ang isang business permit ay obligado ang aplikanteng establisimyento na dumaan sa pagsusuri ng BFP. (Light A. Nolasco)