MAKILALA, North Cotabato – Nakulong sa apoy at hindi nakahinga ang isang 71-anyos na lalaki na tumulong sa kanyang mga kababaryo sa pag-aapula ng sunog sa isang taniman ng saging sa Barangay Luna Sur nitong Miyerkules.

Kinilala ni Barangay Chairman Victor Sumalinog ang namatay na si Jose Soriano Sr., magsasaka, ng Purok 4 sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nagtungo si Soriano at ang kanyang anak na si Soriano Jr. sa plantasyon ng rubber upang tumulong sa pag-apula ng apoy sa katabing sagingan dakong 1:30 ng hapon. Ngunit kalaunan ay natagpuan ng kanyang anak, matapos magbalik sa pag-iigib ng tubig sa sapa, ang matanda na hindi na humihinga.

Nagtamo ng matitinding paso sa katawan si Soriano.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon kay F/Insp. Constantino Cruz, fire marshal ng bayan, lumalabas na namatay sa suffocation ang matanda dahil sa pagkakalanghap ng mono-carbon dioxide mula sa sunog.

Ang grassfire sa Luna Sur ay ang ikasiyam na insidente ngayong taon at unang nagresulta sa pagkamatay ng isang residente.

Tinatayang P500,000 ang halaga ng rubber at saging na natupok sa apoy. (PNA)