BATANGAS – Pinag-iingat ng pulisya ang kababaihang sumasakay ng jeep kasunod ng naganap na panggagahasa sa isang 15-anyos na babae sa Rosario, Batangas.

Ayon sa naantalang report ni PO3 Emily Hindap, dakong 5:30 ng madaling araw noong Marso 4, sakay ang biktima ng jeep na bumabagtas sa Gualberto Avenue, Rosario nang biglang huminto ang sasakyan.

May lalaki umanong nagtakip ng panyo sa bibig ng biktima at nawalan siya nang malay. Nang magising ang dalagita ay nasa loob na siya ng isang maliit na kuwarto at wala nang saplot.

Lumabas sa imbestigasyon na sa Barangay San Agustin, Ibaan, Batangas naganap ang panggagahasa.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek. (Lyka Manalo)