PARIS (AFP) – Pinaghihinalaang nagdudulot ng brain damage sa mga sanggol at rare neurological ailment sa matatanda, iniugnay ng mga mananaliksik nitong Martes ang Zika virus sa isa pang sakit: myelitis.

Iniulat ng French experts na isang 15-anyos na babae sa French Caribbean island ng Guadeloupe na nasuring mayroong acute myelitis nitong Enero ang nakitaan ng mataas na antas ng Zika sa kanyang cerebrospinal fluid, dugo at ihi.

“This is the first published case to offer proof of a link” ng myelitis at ng virus na kumakalat sa Latin America at Caribbean, sinabi ni Annie Lannuzel ng University Hospital Center Pointe-a-Pitre sa Guadeloupe, sa AFP.

Ang kaso ay inilarawan sa ulat na inilathala sa medical journal na The Lancet. Nakasaad dito na ang “presence of Zika virus in the cerebrospinal fluid of our patient with acute myelitis suggests that this virus might be neurotropic -- something that attacks the nervous system”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang myelitis ay ang pamamaga ng spinal cord na nakakaapekto sa galaw ng mga kamay at paa at nagdudulot ng pagkaparalisa. Sa ibang kaso ito ay nagdudulot ng permanenteng pinsala. Wala pang gamot sa sakit na ito.