BRISBANE, Australia (AFP) – Isang lalaki na kilala bilang “Mad Matt” ang humarap sa korte sa Australia nitong Lunes matapos kunan ng video ang sarili na kinakagat ang ulo ng isang buhay na dagat at ipinaskil ito sa Facebook.

Si Matthew Maloney, 24, ay kinasuhan ng animal cruelty matapos ang raid ng RSPCA investigators sa kakatwang pagpapasikat niya noong Enero. Diringgin ang kaso sa Brisbane Magistrates Court, sa Abril 6.

Sa video, nakita si Maloney na pumasok sa isang silid, kinagat ang ulo ng daga at uminom ng vodka. Kasunod nito ay may sumuntok sa kanya sa mukha at hinampas siya ng silya bago siya magsalitang “beat that”.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo