TARLAC CITY - Hindi na natiis ng isang ginang ang dinanas niyang kaapihan sa kanyang live-in partner na nag-abandona sa kanya at sa limang taong gulang nilang anak na nagkasakit sa puso, sa Sitio Obrero, Barangay Central, Tarlac City.

Sa ulat ni PO1 Ma. Larmalyn Nuñez kay Tarlac City Police Chief Supt. Bayani Razalan, inireklamo ng babaeng manggagawa ng International Wiring System (IWS) ang dating kinakasamang si Jessie Cadiang, 41, machine operator ng Phelpdouge Company, Inc. sa Luisita Industrial Park, San Miguel, Tarlac City.

Batay sa imbestigasyon, Disyembre 27, 2015 nang sa hindi malamang dahilan ay inabandona ni Cadiang ang kanyang mag-ina, na labis na dinamdam ng kanilang anak na may sakit sa puso.

Sinikap ng ginang na makipag-ugnayan kay Cadiang para sa pinansiyal na suporta sa bata, ngunit tumangging magsustento ang suspek. (Leandro Alborote)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae