Ipinagharap kahapon ng pulisya ng murder at frustrated murder ang isang 67-anyos na lalaki na dinakip makaraang pagbabarilin ang dalawa niyang kapitbahay sa gitna ng kasiyahan ng piyesta sa Banga, South Cotabato, iniulat kahapon.

Ayon sa report ni PO3 Creslino Arang, ng Banga Municipal Police, ipinagharap ng mga kasong murder at frustrated murder, bukod pa sa paglabag sa Comelec gun ban, si Norberto Javellana, Jr., 67, residente ng Barangay Benitez, Banga.

Napatay ni Javellana si Salim Pandilang, 30, habang nagpapagaling pa sa South Cotabato Provincial Hospital si Darrel Villaruel, 17, ng Bgy. Yangco, Poblacion.

Nabatid na Sabado ng hapon nang mag-amok ang suspek matapos na hindi makadaan ang kanyang sasakyan sa plaza ng Bgy. Yangco sa Poblacion dahil maraming tao ang nagkakasiyahan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon sa pulisya, gamit ang .9mm na baril, walang habas na namaril ang suspek matapos mabuwisit sa dami ng tao at tinamaan sina Pandilang at Villaruel. (Fer Taboy)