REINA MERCEDES, Isabela – Limang katao ang nasugatan makaraang salpukin ng isang Fuso closed van ang isang tricycle sa national highway sa Barangay Tallungan sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang mga nasugatan na sina Tercial Manibug, 42, may asawa, driver ng tricycle; Lydel Manibug, 39, may asawa; Terence Manibug, 11; Irene Ciadel Manibug, 12; at Emerita Cristobal, 43, biyuda, pawang taga-Bgy. Minangan, Naguilian, Isabela.

Arestado naman ang suspek na si Angie Tecson, 34, driver ng truck, at taga-Bgy. Ulingao, San Rafael, Bulacan.

Dakong 11:45 ng gabi nitong Sabado nang mabangga ng closed van truck (CXV-851) ang noon ay kakaliwang tricycle (1136-BY) sa Bgy. Tallungan sa Reina Mercedes. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog