Ni ADOR SALUTA

Jane OinezaPAGKATAPOS umamin sa KrisTV a few days ago na break na sila ni Jeron Teng, episode naman ng naturang show din ni Kris Aquino inamin ng 19 year-old na si Jane Oineza na may bago na siyang suitor.

Pero bago umamin si Jane sa Queen of All Media, katakut-takot na pahulaan muna ang nangyari kung sino nga ang guy na nagpapakilig sa kanya ngayon.

Sa naturang episode, sobrang nainis ang ilang kakilala naming nakapanood sa kaartehan ng dalaga. Animo’y idinaan sa blind item kung sino ang naturang guy na pumoporma sa kanya. 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Akala mo’y si Justin Beiber ang pinapahulaan, ‘kaloka!” sabi ng isang katotong nakapanood ng KrisTV last weekend.

Napasakay din tuloy ang guests ni Kris that day, gaya nina Arci Muñoz at Darla Sauler, sa pahulaan blues ni Jane. 

Unang binanggit ang pangalan ni Iñigo Pascual. Kung siya nga ba? Hindi raw ito, sagot ni Jane.

“Sobrang brothers kami ni Iñigo,” aniya pa.

Sunod na tanong, isa ba ito sa members ng Hashtags, ang all-male dance group ng It’s Showtime? Hindi rin daw.

Nagtanong pa ang mga kasama nila sa KrisTV that morning kung anak ba ito ng artista. Sagot ni Jane na feeling ang haba-haba ng hair, “Ayoko na ngang magsalita!” pairap-irap pa nitong sabi.

Kasi nga’y feeling nina Kris, Arci at Darla, si Diego Loyzaga ang tinutukoy niyang bagong manliligaw. 

Aba, hindi rin daw!

So hindi pala si Diego na anak ni Teresa Loyzaga kay Cesar Montano. Eh, sino?

Lumabas din sa pahulaan-ek ang pangalan ni Marco Gumabao, na nakasama niya sa Luv U, na anak naman ni Dennis Roldan pero mariin din niya itong itinanggi.

Kahit nakikita sa mga kasama ang inis sa kahuhula, ayaw pa ring sabihin ni Jane ang identity ng guy.

Umasta-asta pa si Jane na, “Hindi naman kasi siya sobrang nanliligaw. It’s just parang he’s making an effort na parang magkita kami?” 

Me ganu’n? Pigilan ninyo ako, mangungurot na ako ng singit!

Hanggang sa matukoy ni Darla na si Arjo Atayde nga ito, dahil ang clue, may ongoing serye raw ang new suitor. At nabanggit nga ang anak ng mahusay at beteranang aktres na si Sylvia Sanchez. 

Na, sa wakas, hindi na naitanggi ng maarte.

Finally, sa hinabahaba ng hulaan, umamin din ang starlet na si Jane Oineza na si Arjo nga ito.

Hay nak! Kaya nga siguro sa halos dekada na sa showbiz ng Jane na ito, ni hindi pa siya nakikilala ng madlang pipol. Although maganda naman ang role niya sa Always Be My Maybe, andaming nagtatanong sa amin kung sino raw itong girlash na empleyada ni Gerald Anderson sa kanyang kuwento ng box office movie.

Naloka kami na hindi pala siya kilala ng ilang moviegoers. 

‘Yun nga marahil kung bakit hindi siya nagsa-shine sa anumang project, dahil sa sobrang kaartehan. 

Sa showbiz kasi, walang puwang sa mundo ng fans ang isang talent na nuknukan ng kaartehan dahil kakambal ito ng ‘kaplastikan’. Mabuti sana kung nuknukan din sa galing umarte, eh, hindi naman.

Hindi nga ba’t sumikat si Kris dahil sa kanyang kaprangkahan o pagiging straightforward at pagiging honest sa mga sagot sa tanong ng press? Sana’y nabigyan ng kahit na katiting na advice ni Kris si Jane na kumilos o umarte nang maayos para naman magkaroon ng ‘aura’ o tatak sa televiewers?

Buhay-artistang hilaw nga naman, aarte-arte pa, aamin din naman pala.