LINGAYEN, Pangasinan – Nagsimula nang magdatingan ang mga pambatong atleta ng ibat ibang rehiyon para makipagtagisan ng husay at galin laban sa mga miyembro ng Philippine Team sa gaganaping Philippine National Games (PNG) Championships na lalarga bukas sa Don Narciso Ramos Sports Center dito.

Ayon sa Philippine Sports Commission (PSC) registration committee, nagpatala na ang delegasyon ng Baguio City, Negros Occidental at Zamboanga Del Sur.

Inaasahan na darating ang halos mahigit sa 800 atleta na nagkuwalipika sa isinagawang Luzon, Visayas at Mindanao leg bukas bago ang nakatakdang opening ceremony sa hapon.

Dumating na rin ang ilang miyembro ng national team na ipinapalagay na aabot sa 400.

Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

Magkakasubukan ang mga atletang naghahangad na mapabilang sa pambansang koponan at kasalukuyang nasa ‘payroll’ ng PSC sa torneo na gagamiting sukatan para sa gagawing pagbabago sa talaan ng mga miyembro ng elite team para isabak sa international meet, kabilang ang 2017 Malaysia Southeast Asian Games.

Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na hindi lamang pagbabatayan kung mananatili ang insentibo at biyayang natatanggap ng mga pambansang atleta kundi pati na rin sa posibilidad na hindi makasama sa pambansang delegasyon ang mga mabibigong miyembro ng elite at training pool.

“They (elite athletes) should prove that they deserved to be in the national squad,” sabi ni Garcia. “Dito sa PNG natin malalaman kung sino-sino ang mga posibleng ipadadala natin sa SEA Games next year.” (ANGIE OREDO)