BUENOS AIRES, Argentina (AP) – Sinabi ng mga marine biologist nitong Miyerkules na sinisikap nilang maintindihan kung bakit natagpuang patay ang 23 endangered Franciscana dolphin sa ilang dalampasigan sa hilaga ng Buenos Aires.

Ayon kay Gloria Veira, tagapagsalita ng Mundo Marino foundation, na ang mga hayop ay natagpuan noong nakaraang linggo at karamihan ay mayroong kakatwang marka sa nguso.

Nahihiwagaan ang mga specialists sa bilang at sabay-sabay na pagkamatay ng mga dolphin na posibleng may kinalaman sa climate change o large-scale fishing.

Ang Franciscan ay endangered species na kilala sa mahaba at payat nitong tuka. Matatagpuan lamang ang mga ito sa karagatan ng Argentina, Uruguay at Brazil.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina