MATAAS NA KAHOY, Batangas - Patay ang isang kapitan ng barangay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Mataas na Kahoy, Batangas, kahapon ng umaga.

Dead on the spot si Jacinto Gardiola, chairman ng Barangay 2 sa naturang bayan.

Sa inisyal na report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 6:20 ng umaga nang pagbabarilin si Gardiola sa Bgy. 1.

Tumakas ang nga suspek sakay ng asul na motorsiklo na walang plaka patungo sa Balete, Batangas.

Probinsya

Dalaga sa Iligan City, nawawala; ‘manipulative boyfriend,’ pinaratangang sangkot

Nagsasagawa ng dragnet operation ang mga awtoridad para mahuli ang mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaslang. (Lyka Manalo)