Shaina Magdayao

Ni Nitz Miralles

SI Shaina Magdayao pala ang ipinalit ng Quantum Films kay Jennylyn Mercado bilang leading lady ni Derek Ramsay sa political film na My Candidate. Sa direction ni Quark Henares, kung hindi bago ay sa election week ang showing ng pelikula.

Ginagampanan ni Derek ang role ni Cong. Sonny Suarez at si Shaina naman ay si Billie na walang detalye, nakita lang namin sa Instagram (IG) na nilalagyan siya ng tattoo.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

May nang-intriga sa team-up nina Derek at Shaina, dahil si Derek daw ay ex-boyfriend ni Angelica Panganiban at si Shaina ay ex-girlfriend naman ni John Lloyd Cruz na ex din ni Angelica. Siguro naman, hindi nila pag-uusapan ang kanilang exes, bad ‘yun!

Kasama rin at may special participation sa movie si Iza Calzado. Masaya si Iza to be working for the first time with good friend Quark.